29. Sa gayong kalagayan, wala nang pag-asang makabangon pa si Heliodoro dahil sa ginawang paghadlang sa kanya ng Diyos.
30. Samantala, pinuri naman ng mga Judio ang Panginoon sa kababalaghang ginawa niya sa kanyang Templo. Ang takot at pangamba ay napalitan ng tuwa at kagalakan dahil sa pagkilos ng makapangyarihang Panginoon.
31. Dahil sa nangyaring ito, naglakas-loob ang ilang kasama ni Heliodoro na lumapit kay Onias. Hiniling nila na ipanalangin sa Kataas-taasang Diyos na loobing si Heliodoro ay mabuhay.
32. Upang huwag akalain ng hari na may kinalaman ang mga Judio sa sinapit ni Heliodoro, naghandog si Onias sa Panginoon upang iyon ay gumaling.