Si Simon, na nabanggit na noong una na siyang nagsumbong sa hari tungkol sa labis-labis na kayamanan sa templo, ay gumawa na naman ng pagmamalabis. Pinaratangan niyang si Onias ang nagbanta kay Heliodoro at siya ring pinagmulan ng sinapit nitong kapahamakan.