Zacarias 6:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Sinabi sa akin ni Yahweh,

10. “Puntahan mo sina Heldai, Tobias at Jedaias na kasama ng mga bihag na dinala sa Babilonia. Pagkatapos, tumuloy ka kay Josias na anak ni Sefanias. Kunin mo ang kanilang mga handog na pilak at ginto,

11. at gawin mong korona para sa pinakapunong paring si Josue na anak ni Jehozadak.

12. Sabihin mo sa kanya, ‘Narito ang isang taong ang pangala'y Sanga. Tutubo siya mula sa kanyang kinalalagyan at ipatatayo niya ang templo ni Yahweh.

Zacarias 6