1. Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
2. At nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na nagtanong nang malakas, “Sino ang karapat-dapat na mag-alis sa mga selyo at magbukas sa kasulatan?”
3. Ngunit wala ni isa man, maging sa langit, maging sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbukas o makatingin sa nilalaman niyon.
4. Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon.