11. Nagliliwanag ito dahil sa kaluwalhatian ng Diyos; kumikislap na parang batong hiyas, gaya ng jasper, ng diamanteng sinlinaw ng kristal.
12. Ang pader nito'y makapal, mataas at may labindalawang pinto, at sa bawat pinto ay may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel.
13. May tatlong pinto ang bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran.