Pahayag 11:11-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Pagkalipas ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila ang hangin ng Diyos na nagbibigay-buhay at sila'y tumayo, at labis na nasindak ang mga nakakita sa kanila.

12. Pagkatapos ay narinig nilang nagsalita ang isang malakas na tinig mula sa langit, “Umakyat kayo rito!” At habang nakatingin ang kanilang mga kaaway, umakyat sila sa langit habang nakasakay sa ulap.

13. Nang oras ding iyon ay lumindol nang napakalakas at nawasak ang ikasampung bahagi ng lunsod at pitong libong tao ang namatay. Ang mga natirang tao ay natakot, at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.

Pahayag 11