10. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo.Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis.Sa bayan ng Afra kayo maglupasay.
11. Mga taga-Safir, magpabihag kayo,at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubadat kahiya-hiya ang kalagayan.Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod.Sa pamimighati ng Bethezel,malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan.
12. Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo,sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh.
13. Kayong mga taga-Laquis,isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo.Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel,at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem.
14. At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayosa bayan ng Moreset-Gat.Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israelmula sa bayan ng Aczib.
15. Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway.Ang mga pinuno ng Israel ay tatakasat magtatayo sa yungib ng Adullam.
16. Mga taga-Juda, gupitin ninyo ang inyong buhokbilang pagluluksa sa mga anak ninyong minamahal.Ahitan ninyo ang inyong mga ulo gaya ng mga agila,sapagkat ang mga anak ninyo'y inagaw at dinalang-bihag.