Mga Taga-Roma 4:5-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya.

6. Kaya't tinawag ni David na mapalad ang taong itinuring na matuwid ng Diyos nang di dahil sa sarili nitong nagagawa. Sinabi niya,

7. “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan,at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.

8. Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoonsa kanyang mga kasalanan.”

Mga Taga-Roma 4