14. Gayunman, hindi ninyo ako tinakwil o tinanggihan, kahit na naging pasanin ninyo ako dahil sa aking karamdaman. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang anghel ng Diyos, at para pa ngang si Cristo Jesus!
15. Nasaan ngayon ang kagalakang ipinamalas ninyo noon sa akin? Ako mismo ang makakapagpatotoo na kung maaari nga lamang pati ang inyong mga mata'y dudukitin ninyo at ibibigay sa akin noon.
16. Ngayon, ituturing ba ninyo akong kaaway dahil sa sinasabi ko sa inyo ang katotohanan?
17. Nagpapakita nga sa inyo ng malasakit ang mga taong iyan, ngunit hindi mabuti ang kanilang layunin. Nais lamang nila kayong ilayo sa akin upang sa kanila kayo mapalapit.