Mga Taga-Efeso 4:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

19. Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.

20. Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo.

21. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya.

Mga Taga-Efeso 4