Mga Taga-Efeso 3:14-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama,

15. na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa.

16. Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu.

17. Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig

18. upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig.

Mga Taga-Efeso 3