Mga Taga-Colosas 3:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

17. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

18. Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.

19. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

Mga Taga-Colosas 3