Mga Panaghoy 3:62-65-66 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

62. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko.

63. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi.

64. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa.

65-66. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain;habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3