Mga Panaghoy 3:19-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan.

20. Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati.

21. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong:

22. Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.

23. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.

24. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

25. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya,

Mga Panaghoy 3