Mga Kawikaan 7:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Tuwing sasapit ang gabi, ito'y kanyang ginagawa,sa lalim ng hatinggabi, kapag tulog na ang madla.

10. Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan,mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.

11. Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot,di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot.

12. Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan,walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang.

13. Lalaki'y kanyang susunggaban at pupupugin ng halik,at ang kanyang sasabihing punung-puno ng pang-akit:

Mga Kawikaan 7