Mga Kawikaan 27:10-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

11. Magpakatalino ka, anak, upang ako'y masiyahan at sa gayo'y di ako mapahiya sa nangungutya man.

12. Alam ng matalino kung may panganib at siya'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

13. Kunin mo ang kasuotan ng sinumang nananagot para sa iba, at siya ang pagdusahin mo dahil sa pag-ako sa di niya kilala.

14. Ang pahiyaw na pagbati bilang panggising sa kaibigan ay para nang sumpang binibitiwan.

15. Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila.

Mga Kawikaan 27