Mga Kawikaan 26:15-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.

16. Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.

17. Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.

18-19. Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay.

20. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

21. Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.

Mga Kawikaan 26