Mga Kawikaan 23:9-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

10. Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila.

11. Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

Mga Kawikaan 23