Mga Kawikaan 16:15-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal,may dalang ulan, may taglay na buhay.

16. Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.

17. Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan;ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay.

18. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak,at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.

19. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap,kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.

Mga Kawikaan 16