15. Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan,ngunit sinisiyasat ng may unawa ang kanyang pupuntahan.
16. Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan,ngunit ang mangmang ay napapahamak dahil sa kapabayaan.
17. Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat,ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
18. Ang taong hangal ay nag-aani ng kamangmangan,ngunit ang matalino'y nagkakamit ng karunungan.