Mga Kawikaan 10:20-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga,ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.

21. Ang labi ng matuwid sa marami ay pakinabang,ngunit ang mangmang ay namamatay nang walang karunungan.

22. Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan,na walang kasamang kabalisahan.

23. Ang paggawa ng kasalanan ay kasiyahan ng masama,ngunit ang mabuting asal, kasiyahan ng may unawa.

24. Ang kinatatakutan ng masama ay magaganap sa kanya,ngunit ang hangarin ng matuwid ay matatamo niya.

Mga Kawikaan 10