Mga Hukom 19:1-10-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang panahong wala pang hari ang Israel, may isang Levita sa malayong bulubundukin ng Efraim. Kumuha siya ng isang babaing taga-Bethlehem, Juda at ginawa niyang asawang-lingkod.

10-11. Ngunit hindi na pumayag ang Levita. Sa halip, tumuloy na sila. Dumidilim na nang sila'y dumating sa tapat ng Jebus, na ngayo'y Jerusalem, kaya't sinabi ng alipin, “Mabuti pa po'y tumuloy na tayo ng lunsod at doon na tayo magpalipas ng gabi.”

Mga Hukom 19