1. Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan.
2. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya'y mahina ring tulad nila.
3. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan.