Mga Gawa 7:44-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

44. “Kasama ng ating mga ninuno sa ilang ang Toldang Tipanan na ipinagawa ng Diyos kay Moises ayon sa anyong ipinakita sa kanya.

45. Minana ito ng kanilang mga anak at dinala-dala habang sinasakop nila ang lupain ng mga bansang ipinalupig sa kanila ng Diyos sa pangunguna ni Josue. Ito'y nanatili roon hanggang sa kapanahunan ni David.

46. Kinalugdan ng Diyos si David, at humingi ito ng pahintulot na magtayo ng tahanan para sa Diyos ng Israel.

Mga Gawa 7