Mga Gawa 7:41-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

41. At gumawa nga sila ng isang diyus-diyosang kahawig ng guya. Nag-alay sila ng handog at ipinagpista ang diyus-diyosang hinugis ng kanilang kamay.

42. Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta:‘Bayang Israel, hindi naman talaga akoang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinataysa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.

43. Sa halip, ang inyong dala-dala ay ang santuwaryo ni Molec,at ang bituin ng inyong diyus-diyosang si Renfan.Dahil ginawa ninyo ang mga rebultong ito upang sambahin,kayo ay dadalhing mga bihag sa kabila pa ng Babilonia.’

Mga Gawa 7