Mga Gawa 24:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ito'y kinikilala naming utang na loob, at lubos namin kayong pinasasalamatan saanman at magpakailanman.

4. Ngunit upang kayo ay huwag nang labis na maabala, mangyari lamang na kami'y pakinggan ninyong sandali.

5. Natuklasan naming ang taong ito'y nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y isang pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.

9. Pinatotohanan naman ng mga Judiong naroroon ang lahat ng sinabi ni Tertulo.

10. Si Pablo ay sinenyasan ng gobernador upang magsalita, kaya't sinabi niya,“Kagalang-galang na Gobernador, nalalaman kong kayo'y matagal nang hukom sa bansang ito, kaya't ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa harap ninyo.

Mga Gawa 24