15. Kaya, hilingin ninyo at ng Sanedrin sa pinuno ng mga sundalo na dalhin muli rito si Pablo. Idahilan ninyong sisiyasatin ninyong mabuti ang kanyang kaso. At sa daan pa lamang ay papatayin na namin siya.”
16. Ang balak na ito'y nalaman ng pamangkin ni Pablo na anak ng kanyang kapatid na babae. Kaya't ipinasabi niya ito kay Pablo.
17. Tinawag naman ni Pablo ang isa sa mga kapitan at sinabi, “Samahan nga po ninyo ang binatilyong ito sa inyong pinuno sapagkat mayroon siyang gustong sabihin.”