Mga Gawa 19:39-41 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

39. Ngunit kung may iba pa kayong habol, maaaring pag-usapan iyan sa isang pangkalahatang pagpupulong ng mga mamamayan, ayon sa batas.

40. Dahil sa nangyari ngayong araw na ito, maaaring maparatangan tayo na nanggugulo sa bayan. Walang sapat na dahilan o katuwiran ang kaguluhang ito.”

41. Pagkatapos, pinauwi na ng punong-bayan ang mga tao.

Mga Gawa 19