Mga Gawa 17:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid at iniharap sa mga pinuno ng lunsod. Ganito ang kanilang sigaw: “Ang ating lunsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating,

7. at sila'y pinatuloy ni Jason. Nilabag nilang lahat ang mga batas ng Emperador. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala'y Jesus.”

8. Kaya't nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lunsod dahil sa sigawang ito.

9. Si Jason at ang kanyang mga kasama'y pinagpyansa ng mga pinuno bago pinalaya.

Mga Gawa 17