Mga Gawa 11:12-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Sinabi sa akin ng Espiritu na huwag akong mag-atubiling sumama sa kanila. Sumama rin sa akin ang anim na kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ni Cornelio.

13. Isinalaysay niya sa amin na nakakita siya ng isang anghel na nakatayo sa loob ng kanyang bahay at sinabi raw sa kanya, ‘Magpadala ka ng mga sugo sa Joppa at ipasundo mo si Simon na tinatawag ding Pedro.

14. Sasabihin niya sa iyo ang mga kinakailangan upang ikaw at ang iyong sambahayan ay maligtas.’

Mga Gawa 11