1. Mahal kong Teofilo,Sa aking unang aklat ay isinalaysay ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula
2. hanggang sa araw na siya'y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, ang mga apostol na kanyang hinirang ay pinagbilinan niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
3. Sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng kanyang pagkamatay, maraming ulit siyang nagpakita sa kanila at pinatunayan niyang siya'y talagang buháy. Siya'y nagpakita sa kanila at tinuruan niya tungkol sa paghahari ng Diyos.
4. Samantalang siya'y kasama pa nila, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo.
5. Si Juan ay nagbautismo sa tubig, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo.”
21-22. “Kaya't dapat tayong pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang siya'y isa sa mga kasa-kasama namin sa buong panahong kasama kami ng Panginoong Jesus, mula nang bautismuhan ni Juan si Jesus hanggang sa siya ay iniakyat sa langit.”