Mga Bilang 5:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Lahat ng natatanging handog ng mga Israelita para kay Yahweh ay mauuwi sa paring tumanggap niyon.

10. Kukunin ng bawat pari ang handog na ibinigay sa kanya.”

11. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

12. “Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: Kung ang isang babae'y nagtaksil sa asawa,

13. nakipagtalik sa ibang lalaki ngunit walang katibayang maipakita laban sa kanya sapagkat hindi siya nahuli sa akto,

14. o kaya nama'y ang asawang lalaki'y naghihinala sa kanyang asawa kahit wala itong ginagawang masama,

Mga Bilang 5