Mga Bilang 28:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Sabihin mo sa mga Israelita na sila'y mag-alay sa akin ng mga handog na pagkaing butil, handog na susunugin, at mababangong handog sa takdang panahon.

3. “Ito ang ihahandog nila sa akin araw-araw bilang handog na susunugin: dalawang tupa na tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan;

4. isa sa umaga at isa sa hapon.

5. Ito'y sasamahan ng kalahating salop ng harina at minasa sa isang litrong langis ng olibo.

Mga Bilang 28