Mga Bilang 24:18-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir,samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel.

19. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel,ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.”

20. Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya:“Ang Amalek ay bansang pangunahin,ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”

Mga Bilang 24