Mga Awit 78:17-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ngunit sila'y patuloy rin sa kanilang kasalanan,sinusuway nila ang Diyos habang sila'y nasa ilang.

18. Sadya nilang sinusubok, ginagalit nila ang Diyos;ang hiningi ay pagkaing gustung-gusto nilang lubos.

19. Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito:“Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo?

20. Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal,dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw;ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyanng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?”

21. Nang marinig ang ganito, si Yahweh nama'y nag-init,sa hinirang niyang bansa'y nag-apoy ang kanyang galit.

22. Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala,sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala.

23. Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan,at ang mga pinto nito'y agad-agad na nabuksan.

Mga Awit 78