Mga Awit 70:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas,tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!

2. Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay,bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan;iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan,bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.

Mga Awit 70