Mga Awit 66:13-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ako'y maghahandog sa banal mong templong aking pangako na handog sa iyo.

14. Pati pangako ko, nang may suliranin,ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.

15. Natatanging handog ang iaalay ko;susunuging tupa, kambing, saka toro,mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)

16. Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.

17. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri,kanyang karangalan, aking sinasabi.

Mga Awit 66