Mga Awit 65:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig,gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.

4. Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan!Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal,dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

5. Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan,may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.

6. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag;dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag!

7. Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik,pati along malalaki sa panahong nagngangalit;maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit.

Mga Awit 65