Mga Awit 63:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat,at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

5. Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan,magagalak na umawit ng papuring iaalay.

6. Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;

7. ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina,kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.

8. Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang nananalig,kaligtasan ko'y tiyak, dahil sa iyo'y nakasandig.

9. Ngunit silang nagbabantang kumitil sa aking buhay,sila nga ang masasadlak sa malamig na libingan.

Mga Awit 63