Mga Awit 63:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

2. Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan,at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan.

3. Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.

4. Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat,at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

Mga Awit 63