Mga Awit 61:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin;inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!

2. Tumatawag ako dahilan sa lumbay,sapagkat malayo ako sa tahanan.Iligtas mo ako, ako ay ingatan,

3. pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan,matibay na muog laban sa kaaway.

4. Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay;sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)

Mga Awit 61