Mga Awit 6:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan,O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal?

4. Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas,hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas.

5. Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala,sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo'y sasamba?

6. Pinanghihina ako nitong aking karamdaman;gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan,binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.

Mga Awit 6