Mga Awit 6:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit,o kaya'y parusahan kapag ika'y nag-iinit.

2. Ubos na ang lakas ko, ako'y iyong kahabagan,pagalingin mo ako, mga buto ko'y nangangatal.

3. Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan,O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal?

4. Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas,hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas.

Mga Awit 6