Mga Awit 55:19-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Ang Diyos na hari sa mula't mula paay diringgin ako, lulupigin sila; (Selah)pagkat ni sa kanya'y wala silang takot,ayaw nang magbago at magbalik-loob.

20. Itong taong dati'y aking kasamahan, mga kaibiga'y kanyang kinalaban;at hindi tumupad sa 'ming kasunduan.

21. Ang dulas ng dila'y parang mantekilya,ngunit nasa puso pagkapoot niya;ang mga salita niya'y tulad ng langis,ngunit parang tabak ang talas at tulis.

22. Ilagak kay Yahweh iyong suliranin,aalalayan ka't ipagtatanggol rin;ang taong matuwid, di niya bibiguin.

23. Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao,O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo.Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig,ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.

Mga Awit 55