Mga Awit 49:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man,kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang!

2. Kahit ikaw ay dakila o hamak ang iyong lagay,makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman.

3. Itong aking sasabihi'y salitang may karunungan,ang isipang ihahayag, mahalagang mga bagay;

4. Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan,sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman.

Mga Awit 49