1. Magdiwang ang lahat ng mga nilikha!Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
2. Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang;siya'y naghahari sa sangkatauhan.
3. Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao,sa lahat ng bansa'y namahala tayo.
4. Siya ang pumili ng ating tahanan,ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)