Mga Awit 47:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Magdiwang ang lahat ng mga nilikha!Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!

2. Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang;siya'y naghahari sa sangkatauhan.

3. Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao,sa lahat ng bansa'y namahala tayo.

Mga Awit 47