Mga Awit 38:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Wasak at kuba na ang aking katawan;sa buong maghapo'y puspos ng kalungkutan.

7. Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init,lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.

8. Ako'y nanghihina at nanlulupaypay,puso'y dumaraing sa sakit na taglay.

9. O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid;ang mga daing ko'y iyong dinirinig.

10. Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos;ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.

Mga Awit 38