Mga Awit 34:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Nagalak ang aping umasa sa kanya,pagkat di nabigo ang pag-asa nila.

6. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,sila'y iniligtas sa hirap at dusa.

7. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

8. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

9. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.

Mga Awit 34