Mga Awit 34:13-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.

14. Mabuti ang gawi't masama'y layuanpagsikapang kamtin ang kapayapaan.

15. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon,sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.

16. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,at sa alaala, sila'y mawawala.

17. Agad dinirinig daing ng matuwid;inililigtas sila sa mga panganib.

Mga Awit 34